3Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Kristo Hesus.
4Katulad ka dapat ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal.
5Ganoon din naman, katulad ka dapat ng isang manlalaro; hindi siya makakakuha ng gantimpala kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro.
6At katulad ka rin dapat ng isang masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani?
7Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.