2 Timoteo 2

At katulad ka rin dapat ng isang masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani?

2 Timothy 2:6 (UKJV) The farmer that labours must be first partaker of the fruits.

4Katulad ka dapat ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal.

5Ganoon din naman, katulad ka dapat ng isang manlalaro; hindi siya makakakuha ng gantimpala kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro.

6At katulad ka rin dapat ng isang masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani?

7Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.

8Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo, na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.