5Ganoon din naman, katulad ka dapat ng isang manlalaro; hindi siya makakakuha ng gantimpala kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro.
6At katulad ka rin dapat ng isang masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani?
7Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
8Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo, na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko
9na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Ngunit hindi nakakadenahan ang salita ng Diyos.