21Bumaba si Pedro at sinabi sa mga tao, “Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang kailangan ninyo sa akin?”
22Sumagot sila, “Inutusan kami rito ni Kapitan Cornelio. Matuwid siyang tao at may takot sa Diyos. Iginagalang siya ng lahat ng Hudyo. Sinabihan siya ng isang banal na anghel na anyayahan ka sa kanyang bahay upang marinig niya kung ano ang iyong sasabihin.”
23Kaya pinatuloy sila ni Pedro upang doon magpalipas ng gabi. Kinabukasan, sumáma si Pedro sa kanila, kasama ang ilang kapatid na taga-Jopa.
24Dumating sila sa Cesarea pagkaraan ng isang araw. Naghihintay sa kanila si Cornelio, kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang tinipon niya.
25Pagdating ni Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at nagpatirapa para sambahin siya.