Mga Gawa 10

Dumating sila sa Cesarea pagkaraan ng isang araw. Naghihintay sa kanila si Cornelio, kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang tinipon niya.

Acts 10:24 (UKJV) And the next day after they entered into Caesarea. And Cornelius waited for them, and he had called together his kinsmen and near friends.

22Sumagot sila, “Inutusan kami rito ni Kapitan Cornelio. Matuwid siyang tao at may takot sa Diyos. Iginagalang siya ng lahat ng Hudyo. Sinabihan siya ng isang banal na anghel na anyayahan ka sa kanyang bahay upang marinig niya kung ano ang iyong sasabihin.”

23Kaya pinatuloy sila ni Pedro upang doon magpalipas ng gabi. Kinabukasan, sumáma si Pedro sa kanila, kasama ang ilang kapatid na taga-Jopa.

24Dumating sila sa Cesarea pagkaraan ng isang araw. Naghihintay sa kanila si Cornelio, kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang tinipon niya.

25Pagdating ni Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at nagpatirapa para sambahin siya.

26Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi, “Tumayo ka, dahil akoʼy tao ring katulad mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.