Mga Gawa 10

Tumitig siya sa anghel at takot na takot na nagsabi, “Ano po ʼyon, Panginoon?” Sumagot ang anghel, “Ang iyong mga panalangin at tulong sa mga mahihirap ay tinanggap ng Diyos bilang handog.

Acts 10:4 (UKJV) And when he looked on him, he was afraid, and said, What is it, Lord? And he said unto him, Your prayers and yours alms are come up for a memorial before God.

2Siya at ang kanyang buong pamilya ay sumasamba at may takot sa Diyos. Marami siyang naibigay na tulong sa mga mahihirap na Hudyo, at palagi siyang nananalangin sa Diyos.

3Isang araw, bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nakita niya ang isang anghel ng Diyos na pumasok at tinawag siya, “Cornelio!”

4Tumitig siya sa anghel at takot na takot na nagsabi, “Ano po ʼyon, Panginoon?” Sumagot ang anghel, “Ang iyong mga panalangin at tulong sa mga mahihirap ay tinanggap ng Diyos bilang handog.

5Ngayon, magsugo ka ng mga tao sa lungsod ng Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro.

6Doon siya nakatira kay Simon na isang tagapagbilad ng balat ng hayop. Nasa tabi ng dagat ang bahay niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.