Mga Gawa 10

Siya at ang kanyang buong pamilya ay sumasamba at may takot sa Diyos. Marami siyang naibigay na tulong sa mga mahihirap na Hudyo, at palagi siyang nananalangin sa Diyos.

Acts 10:2 (UKJV) A devout man, and one that feared God with all his house, which gave much alms to the people, and prayed to God always.

1Doon sa Cesarea ay may isang lalaking ang pangalan ay Cornelio. Siyaʼy isang kapitan ng batalyon ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyong Italyano.

2Siya at ang kanyang buong pamilya ay sumasamba at may takot sa Diyos. Marami siyang naibigay na tulong sa mga mahihirap na Hudyo, at palagi siyang nananalangin sa Diyos.

3Isang araw, bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nakita niya ang isang anghel ng Diyos na pumasok at tinawag siya, “Cornelio!”

4Tumitig siya sa anghel at takot na takot na nagsabi, “Ano po ʼyon, Panginoon?” Sumagot ang anghel, “Ang iyong mga panalangin at tulong sa mga mahihirap ay tinanggap ng Diyos bilang handog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.