Mga Gawa 10

Isang araw, bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nakita niya ang isang anghel ng Diyos na pumasok at tinawag siya, “Cornelio!”

Acts 10:3 (UKJV) He saw in a vision evidently about the ninth hour of the day an angel of God coming in to him, and saying unto him, Cornelius.

1Doon sa Cesarea ay may isang lalaking ang pangalan ay Cornelio. Siyaʼy isang kapitan ng batalyon ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyong Italyano.

2Siya at ang kanyang buong pamilya ay sumasamba at may takot sa Diyos. Marami siyang naibigay na tulong sa mga mahihirap na Hudyo, at palagi siyang nananalangin sa Diyos.

3Isang araw, bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nakita niya ang isang anghel ng Diyos na pumasok at tinawag siya, “Cornelio!”

4Tumitig siya sa anghel at takot na takot na nagsabi, “Ano po ʼyon, Panginoon?” Sumagot ang anghel, “Ang iyong mga panalangin at tulong sa mga mahihirap ay tinanggap ng Diyos bilang handog.

5Ngayon, magsugo ka ng mga tao sa lungsod ng Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.