Mga Gawa 10

Isinalaysay ni Cornelio sa kanila ang lahat ng nangyari, at pagkatapos ay inutusan niya silang pumunta sa Jopa.

Acts 10:8 (UKJV) And when he had declared all these things unto them, he sent them to Joppa.

6Doon siya nakatira kay Simon na isang tagapagbilad ng balat ng hayop. Nasa tabi ng dagat ang bahay niya.”

7Nang makaalis na ang anghel, tinawag ni Cornelio ang dalawa niyang utusan at isang katiwalang sundalo na sumasamba at may takot sa Diyos.

8Isinalaysay ni Cornelio sa kanila ang lahat ng nangyari, at pagkatapos ay inutusan niya silang pumunta sa Jopa.

9Kinabukasan, nang malapit na sila sa Jopa, umakyat si Pedro sa bubong ng bahay para manalangin. Tanghaling-tapat noon

10at gutom na siya, kaya gusto na niyang kumain. Ngunit habang inihahanda ang pagkain, nakakita siya ng pangitain mula sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.