Mga Gawa 11

Tatlong beses naulit ang pangyayaring ito, at pagkatapos ay hinila na papunta sa langit ang kumot.

Acts 11:10 (UKJV) And this was done three times: and all were drawn up again into heaven.

8“Ngunit sumagot ako, ‘Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.’

9“Pagkatapos, muling nagsalita ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang kahit na anong bagay na nilinis na ng Diyos.’

10Tatlong beses naulit ang pangyayaring ito, at pagkatapos ay hinila na papunta sa langit ang kumot.

11“Nang mga oras ding iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaki na galing sa Cesarea. Inutusan sila na sunduin ako.

12Sinabi ng Espiritu sa akin na huwag akong mag-alinlangang sumáma sa kanila. At nang umalis na kami papunta sa bahay ni Cornelio sa Cesarea, sumáma sa akin itong anim na kapatid natin na taga-Jopa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.