6Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, kasama na rito ang mababangis, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad.
7At narinig ko ang boses na nagsasabi sa akin, ‘Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.’
8“Ngunit sumagot ako, ‘Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.’
9“Pagkatapos, muling nagsalita ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang kahit na anong bagay na nilinis na ng Diyos.’
10Tatlong beses naulit ang pangyayaring ito, at pagkatapos ay hinila na papunta sa langit ang kumot.