Mga Gawa 11

Nang panahong iyon, may mga propeta sa Jerusalem na pumunta sa Antioquia.

Acts 11:27 (UKJV) And in these days came prophets from Jerusalem unto Antioch.

25Pagkatapos, pumunta si Bernabe sa Tarso para hanapin si Saulo.

26Nang makita niya si Saulo, isinama niya ito pabalik sa Antioquia. At isang taon silang nakasama ng iglesya roon, at maraming tao ang kanilang tinuruan. Sa Antioquia unang tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad.

27Nang panahong iyon, may mga propeta sa Jerusalem na pumunta sa Antioquia.

28Ang pangalan ng isa sa kanila ay Agabo. Tumayo siya at nagpahayag sa pamamagitan ng Espiritu na may darating na matinding taggutom sa buong mundo. (Nangyari ito sa panahon ni Claudio na Emperador ng Roma.)

29Kaya nagpasya ang mga alagad sa Antioquia na ang bawat isa sa kanila ay magpapadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kanilang makakaya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.