Mga Gawa 11

Ang pangalan ng isa sa kanila ay Agabo. Tumayo siya at nagpahayag sa pamamagitan ng Espiritu na may darating na matinding taggutom sa buong mundo. (Nangyari ito sa panahon ni Claudio na Emperador ng Roma.)

Acts 11:28 (UKJV) And there stood up one of them named Agabus, and signified by the Spirit that there should be great dearth throughout all the world: which came to pass in the days of Claudius Caesar.

26Nang makita niya si Saulo, isinama niya ito pabalik sa Antioquia. At isang taon silang nakasama ng iglesya roon, at maraming tao ang kanilang tinuruan. Sa Antioquia unang tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad.

27Nang panahong iyon, may mga propeta sa Jerusalem na pumunta sa Antioquia.

28Ang pangalan ng isa sa kanila ay Agabo. Tumayo siya at nagpahayag sa pamamagitan ng Espiritu na may darating na matinding taggutom sa buong mundo. (Nangyari ito sa panahon ni Claudio na Emperador ng Roma.)

29Kaya nagpasya ang mga alagad sa Antioquia na ang bawat isa sa kanila ay magpapadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kanilang makakaya.

30Ipinadala nila ito sa pamamagitan nina Bernabe at Saulo upang ibigay sa mga pinuno ng iglesya sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.