Mga Gawa 12

Ipinabilanggo niya si Pedro at pinabantayan sa apat na grupo ng mga sundalo na may tig-apat na tauhan. Ayon sa plano ni Herodes, ang paglilitis kay Pedro ay gagawin niya sa harap ng taong-bayan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel.

Acts 12:4 (UKJV) And when he had apprehended him, he put him in prison, and delivered him to four quaternions of soldiers to keep him; intending after Easter to bring him forth to the people.

2Ipinapatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.

3Nang makita niyang natuwa ang mga Hudyo, ipinahuli niya rin si Pedro. Nangyari ito sa panahon ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.

4Ipinabilanggo niya si Pedro at pinabantayan sa apat na grupo ng mga sundalo na may tig-apat na tauhan. Ayon sa plano ni Herodes, ang paglilitis kay Pedro ay gagawin niya sa harap ng taong-bayan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel.

5Kaya nanatili si Pedro sa bilangguan ngunit ang iglesya namaʼy nananalangin sa Diyos ng taimtim para sa kanya.

6Noong gabi bago siya iharap ni Herodes sa mga tao upang litisin, natutulog si Pedro na nakagapos ng kadena sa magkabilang braso, isa para sa bawat sundalong nasa kanan at kaliwa niya. Mayroon pang mga guwardiyang nakabantay sa pintuan ng bilangguan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.