Mga Gawa 12

Noong gabi bago siya iharap ni Herodes sa mga tao upang litisin, natutulog si Pedro na nakagapos ng kadena sa magkabilang braso, isa para sa bawat sundalong nasa kanan at kaliwa niya. Mayroon pang mga guwardiyang nakabantay sa pintuan ng bilangguan.

Acts 12:6 (UKJV) And when Herod would have brought him forth, the same night Peter was sleeping between two soldiers, bound with two chains: and the keepers before the door kept the prison.

4Ipinabilanggo niya si Pedro at pinabantayan sa apat na grupo ng mga sundalo na may tig-apat na tauhan. Ayon sa plano ni Herodes, ang paglilitis kay Pedro ay gagawin niya sa harap ng taong-bayan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel.

5Kaya nanatili si Pedro sa bilangguan ngunit ang iglesya namaʼy nananalangin sa Diyos ng taimtim para sa kanya.

6Noong gabi bago siya iharap ni Herodes sa mga tao upang litisin, natutulog si Pedro na nakagapos ng kadena sa magkabilang braso, isa para sa bawat sundalong nasa kanan at kaliwa niya. Mayroon pang mga guwardiyang nakabantay sa pintuan ng bilangguan.

7Walang anu-anoʼy biglang nagliwanag sa loob ng bilangguan at nagpakita ang isang anghel ng Panginoon. Tinapik niya sa tagiliran si Pedro para magising, at sinabi, “Dali, bumangon ka!” At natanggal ang mga kadena sa kanyang mga kamay.

8Sinabi ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong sandalyas.” At ganoon nga ang ginawa ni Pedro. Sinabi pa ng anghel sa kanya, “Magbalabal ka at sumunod sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.