Mga Gawa 12

Sinabi ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong sandalyas.” At ganoon nga ang ginawa ni Pedro. Sinabi pa ng anghel sa kanya, “Magbalabal ka at sumunod sa akin.”

Acts 12:8 (UKJV) And the angel said unto him, Gird yourself, and bind on your sandals. And so he did. And he says unto him, Cast your garment about you, and follow me.

6Noong gabi bago siya iharap ni Herodes sa mga tao upang litisin, natutulog si Pedro na nakagapos ng kadena sa magkabilang braso, isa para sa bawat sundalong nasa kanan at kaliwa niya. Mayroon pang mga guwardiyang nakabantay sa pintuan ng bilangguan.

7Walang anu-anoʼy biglang nagliwanag sa loob ng bilangguan at nagpakita ang isang anghel ng Panginoon. Tinapik niya sa tagiliran si Pedro para magising, at sinabi, “Dali, bumangon ka!” At natanggal ang mga kadena sa kanyang mga kamay.

8Sinabi ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong sandalyas.” At ganoon nga ang ginawa ni Pedro. Sinabi pa ng anghel sa kanya, “Magbalabal ka at sumunod sa akin.”

9At sumunod nga siya sa anghel palabas ng bilangguan. Hindi alam ni Pedro kung totoo ang nangyayari. Ang akala niyaʼy nananaginip lang siya.

10Dinaanan lang nila ang una at ang pangalawang grupo ng mga guwardiya. Pagdating nila sa pintuang bakal na patungo sa loob ng lungsod, kusa itong bumukas kaya lumabas sila. Paglampas nila sa isang kalye, bigla na lang siyang iniwan ng anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.