Mga Gawa 13

“Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Hindi ka ba hihinto sa pambabaluktot mo sa matuwid na daan ng Panginoon?

Acts 13:10 (UKJV) And said, O full of all subtlety and all mischief, you child of the devil, you enemy of all righteousness, will you not cease to pervert the right ways of the Lord?

8Ngunit hinadlangan sila ni Elimas, ang salamangkero (ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Griyego). Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi sumampalataya ang gobernador kay Hesus.

9Ngunit si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi,

10“Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Hindi ka ba hihinto sa pambabaluktot mo sa matuwid na daan ng Panginoon?

11Parurusahan ka ngayon ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi makakakita sa loob ng ilang araw.” At biglang natakpan ng madilim na ulap ang kanyang mga mata, at nangangapa siyang naghanap ng aakay sa kanya.

12Nang makita ng gobernador ang nangyari kay Elimas, sumampalataya siya, at namangha sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.