7Kaibigan siya ni Sergio Paulo, ang matalinong gobernador ng islang iyon. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo dahil gusto niyang makinig ng salita ng Diyos.
8Ngunit hinadlangan sila ni Elimas, ang salamangkero (ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Griyego). Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi sumampalataya ang gobernador kay Hesus.
9Ngunit si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi,
10“Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Hindi ka ba hihinto sa pambabaluktot mo sa matuwid na daan ng Panginoon?
11Parurusahan ka ngayon ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi makakakita sa loob ng ilang araw.” At biglang natakpan ng madilim na ulap ang kanyang mga mata, at nangangapa siyang naghanap ng aakay sa kanya.