Mga Gawa 13

Ngunit hinadlangan sila ni Elimas, ang salamangkero (ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Griyego). Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi sumampalataya ang gobernador kay Hesus.

Acts 13:8 (UKJV) But Elymas the sorcerer (for so is his name by interpretation) withstood them, seeking to turn away the deputy from the faith.

6Inikot nila ang buong isla hanggang sa nakarating sila sa bayan ng Pafos. May nakilala sila roon na isang Hudyong salamangkero at nagpapanggap na propeta. Ang pangalan niya ay Bar Hesus.

7Kaibigan siya ni Sergio Paulo, ang matalinong gobernador ng islang iyon. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo dahil gusto niyang makinig ng salita ng Diyos.

8Ngunit hinadlangan sila ni Elimas, ang salamangkero (ang kahulugan ng kanyang pangalan sa wikang Griyego). Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi sumampalataya ang gobernador kay Hesus.

9Ngunit si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi,

10“Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Hindi ka ba hihinto sa pambabaluktot mo sa matuwid na daan ng Panginoon?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.