Mga Gawa 13

Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon.

Acts 13:21 (UKJV) And afterward they desired a king: and God gave unto them Saul the son of Cis, a man of the tribe of Benjamin, by the space of forty years.

19Pagkatapos, nilipol niya ang pitong bansa sa Canaan, at ibinigay niya ang mga lupain ng mga ito sa ating mga ninuno.

20Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyos sa loob ng 450 taon. “Pagkatapos, binigyan niya sila ng mga taong namuno sa kanila hanggang sa panahon ni Propeta Samuel.

21Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon.

22Nang alisin ng Diyos si Saul, ipinalit niya si David bilang hari. Ito ang sinabi ng Diyos: ‘Nakita ko si David na anak ni Jesse, bilang isang taong kinalulugdan ko; alam kong susundin niya ang lahat ng iuutos ko.’

23“Sa angkan ni David nagmula si Hesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.