20Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyos sa loob ng 450 taon. “Pagkatapos, binigyan niya sila ng mga taong namuno sa kanila hanggang sa panahon ni Propeta Samuel.
21Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon.
22Nang alisin ng Diyos si Saul, ipinalit niya si David bilang hari. Ito ang sinabi ng Diyos: ‘Nakita ko si David na anak ni Jesse, bilang isang taong kinalulugdan ko; alam kong susundin niya ang lahat ng iuutos ko.’
23“Sa angkan ni David nagmula si Hesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos sa Israel.
24Bago pa magsimula si Hesus sa kanyang gawain, nangaral si Juan na Tagapagbautismo sa lahat ng Israelita na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo.