29Nang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan patungkol sa kanya, kinuha nila siya sa krus at inihimlay sa libingan.
30Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos.
31At sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumáma sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Hesus.”
32“At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno,
33na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Hesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo: ‘Ikaw ang aking anak, at ngayon ako na ang iyong Ama.’ ”