Mga Gawa 13

na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Hesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo: ‘Ikaw ang aking anak, at ngayon ako na ang iyong Ama.’ ”

Acts 13:33 (UKJV) God has fulfilled the same unto us their children, in that he has raised up Jesus again; as it is also written in the second psalm, You are my Son, this day have I begotten you.

31At sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumáma sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Hesus.”

32“At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno,

33na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Hesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo: ‘Ikaw ang aking anak, at ngayon ako na ang iyong Ama.’ ”

34“Muli siyang binuhay ng Diyos upang hindi na mabulok ang kanyang katawan. Ayon sa sinabi ng Diyos, ‘Ibibigay ko saʼyo ang mga banal at tiyak na pagpapalang ipinangako kay David.’ ”

35At sinabi rin ito sa isa pang Salmo: “ ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong banal na lingkod.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.