Mga Gawa 15

May mga taong galing sa Judea na pumunta sa Antioquia at nagturo sa mga mananampalataya doon. Sinabi nila, “Hindi kayo maliligtas kung hindi kayo magpapatuli ayon sa kaugaliang itinuro ni Moises.”

Acts 15:1 (UKJV) And certain men which came down from Judaea taught the brethren, and said, Except all of you be circumcised after the manner of Moses, all of you cannot be saved.

1May mga taong galing sa Judea na pumunta sa Antioquia at nagturo sa mga mananampalataya doon. Sinabi nila, “Hindi kayo maliligtas kung hindi kayo magpapatuli ayon sa kaugaliang itinuro ni Moises.”

2Hindi ito sinang-ayunan nina Pablo at Bernabe, at naging mainit ang pagtatalo nila tungkol dito. Kaya nagkaisa ang mga mananampalataya doon na papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang iba pang mga mananampalataya sa Antioquia para iharap sa mga apostol at sa mga pinuno ng iglesya ang bagay na ito.

3Kaya ipinadala ng iglesya sina Pablo, at sa pagdaan nila sa Fenicia at sa Samaria ay ibinalita nila sa mga kapatiran doon na may mga Hentil ding sumampalataya kay Kristo. Masayang-masaya silang lahat nang marinig ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.