24“Nabalitaan naming may mga taong mula rito sa amin na pumunta diyan, kahit hindi namin sila inutusan, at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro.
25Kaya napagkasunduan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo, kasama nila ang ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,
26mga taong nagtaya ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
27Sasabihin din nina Judas at Silas na aming ipinadala sa inyo ang tungkol sa mga nilalaman ng liham na ito.
28Nagkasundo kami ayon sa patnubay ng Banal na Espiritu na huwag nang dagdagan pa ang mga dapat ninyong sundin maliban sa mga ito: