Mga Gawa 15

Kaya napagkasunduan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo, kasama nila ang ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,

Acts 15:25 (UKJV) It seemed good unto us, being assembled with one accord, to send chosen men unto you with our beloved Barnabas and Paul,

23at sila ang magdadala ng sulat na ito: Mula sa mga apostol at mga pinuno ng iglesya, na inyong mga kapatid, Mahal naming mga kapatirang Hentil diyan sa Antioquia, Siria at Cilicia:

24“Nabalitaan naming may mga taong mula rito sa amin na pumunta diyan, kahit hindi namin sila inutusan, at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro.

25Kaya napagkasunduan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo, kasama nila ang ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,

26mga taong nagtaya ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

27Sasabihin din nina Judas at Silas na aming ipinadala sa inyo ang tungkol sa mga nilalaman ng liham na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.