Mga Gawa 15

“Nabalitaan naming may mga taong mula rito sa amin na pumunta diyan, kahit hindi namin sila inutusan, at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro.

Acts 15:24 (UKJV) Forasmuch as we have heard, that certain which went out from us have troubled you with words, subverting your souls, saying, All of you must be circumcised, and keep the law: to whom we gave no such commandment:

22Nagkasundo ang mga apostol, ang mga pinuno ng iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas (na tinatawag na Barsabas) at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya,

23at sila ang magdadala ng sulat na ito: Mula sa mga apostol at mga pinuno ng iglesya, na inyong mga kapatid, Mahal naming mga kapatirang Hentil diyan sa Antioquia, Siria at Cilicia:

24“Nabalitaan naming may mga taong mula rito sa amin na pumunta diyan, kahit hindi namin sila inutusan, at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro.

25Kaya napagkasunduan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo, kasama nila ang ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,

26mga taong nagtaya ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.