21Dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Hudyo sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”
22Nagkasundo ang mga apostol, ang mga pinuno ng iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas (na tinatawag na Barsabas) at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya,
23at sila ang magdadala ng sulat na ito: Mula sa mga apostol at mga pinuno ng iglesya, na inyong mga kapatid, Mahal naming mga kapatirang Hentil diyan sa Antioquia, Siria at Cilicia:
24“Nabalitaan naming may mga taong mula rito sa amin na pumunta diyan, kahit hindi namin sila inutusan, at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro.
25Kaya napagkasunduan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo, kasama nila ang ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,