Mga Gawa 15

Dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Hudyo sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”

Acts 15:21 (UKJV) For Moses of old time has in every city them that preach him, being read in the synagogues every sabbath day.

19Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos.

20Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Huwag gumawa ng seksuwal na imoralidad, at huwag kakain ng dugo o karne ng binigting hayop.

21Dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Hudyo sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”

22Nagkasundo ang mga apostol, ang mga pinuno ng iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas (na tinatawag na Barsabas) at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya,

23at sila ang magdadala ng sulat na ito: Mula sa mga apostol at mga pinuno ng iglesya, na inyong mga kapatid, Mahal naming mga kapatirang Hentil diyan sa Antioquia, Siria at Cilicia:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.