Mga Gawa 15

Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Huwag gumawa ng seksuwal na imoralidad, at huwag kakain ng dugo o karne ng binigting hayop.

Acts 15:20 (UKJV) But that we write unto them, that they abstain from pollutions of idols, and from fornication, and from things strangled, and from blood.

18at ipinahayag ko na ito mula pa noong una.’”

19Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos.

20Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Huwag gumawa ng seksuwal na imoralidad, at huwag kakain ng dugo o karne ng binigting hayop.

21Dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Hudyo sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”

22Nagkasundo ang mga apostol, ang mga pinuno ng iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas (na tinatawag na Barsabas) at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.