16‘Pagkatapos nito, babalik ako, at itatayo kong muli ang bumagsak na kaharian ni David. Mula sa pagkaguho, ibabangon ko itong muli at itatayo
17upang hanapin ako ng ibang tao, maging ng lahat ng mga Hentil na aking tinawag na maging akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito,
18at ipinahayag ko na ito mula pa noong una.’”
19Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos.
20Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Huwag gumawa ng seksuwal na imoralidad, at huwag kakain ng dugo o karne ng binigting hayop.