Mga Gawa 15

Huwag kayong kakain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan; huwag kayong kakain ng dugo o karne ng binigting hayop. At huwag kayong gumawa ng seksuwal na imoralidad. Makabubuting iwasan ninyo ang mga bagay na ito.” Hanggang sa muli.

Acts 15:29 (UKJV) That all of you abstain from meats offered to idols, and from blood, and from things strangled, and from fornication: from which if all of you keep yourselves, all of you shall do well. Fare all of you well.

27Sasabihin din nina Judas at Silas na aming ipinadala sa inyo ang tungkol sa mga nilalaman ng liham na ito.

28Nagkasundo kami ayon sa patnubay ng Banal na Espiritu na huwag nang dagdagan pa ang mga dapat ninyong sundin maliban sa mga ito:

29Huwag kayong kakain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan; huwag kayong kakain ng dugo o karne ng binigting hayop. At huwag kayong gumawa ng seksuwal na imoralidad. Makabubuting iwasan ninyo ang mga bagay na ito.” Hanggang sa muli.

30At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioquia, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang liham.

31Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng liham na nakapagpasigla sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.