Mga Gawa 15

Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng liham na nakapagpasigla sa kanila.

Acts 15:31 (UKJV) Which when they had read, they rejoiced for the consolation.

29Huwag kayong kakain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan; huwag kayong kakain ng dugo o karne ng binigting hayop. At huwag kayong gumawa ng seksuwal na imoralidad. Makabubuting iwasan ninyo ang mga bagay na ito.” Hanggang sa muli.

30At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioquia, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang liham.

31Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng liham na nakapagpasigla sa kanila.

32Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid upang palakasin ang kanilang pananampalataya.

33Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa mga nagsugo sa kanila. Ngunit bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.