Mga Gawa 15

At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioquia, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang liham.

Acts 15:30 (UKJV) So when they were dismissed, they came to Antioch: and when they had gathered the multitude together, they delivered the epistle:

28Nagkasundo kami ayon sa patnubay ng Banal na Espiritu na huwag nang dagdagan pa ang mga dapat ninyong sundin maliban sa mga ito:

29Huwag kayong kakain ng mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan; huwag kayong kakain ng dugo o karne ng binigting hayop. At huwag kayong gumawa ng seksuwal na imoralidad. Makabubuting iwasan ninyo ang mga bagay na ito.” Hanggang sa muli.

30At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioquia, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang liham.

31Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng liham na nakapagpasigla sa kanila.

32Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid upang palakasin ang kanilang pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.