Mga Gawa 15

Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid upang palakasin ang kanilang pananampalataya.

Acts 15:32 (UKJV) And Judas and Silas, being prophets also themselves, exhorted the brethren with many words, and confirmed them.

30At umalis nga ang mga taong ipinadala nila. Pagdating nila sa Antioquia, tinipon nila ang lahat ng mga mananampalataya at ibinigay nila agad ang liham.

31Tuwang-tuwa sila nang mabasa ang nilalaman ng liham na nakapagpasigla sa kanila.

32Sina Judas at Silas ay mga propeta rin, at marami ang kanilang itinuro sa mga kapatid upang palakasin ang kanilang pananampalataya.

33Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa mga nagsugo sa kanila. Ngunit bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [

34Subalit nagpasya si Silas na magpaiwan doon.]

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.