Mga Gawa 16

Pagkatapos makita ni Pablo ang pangitaing iyon, naghanda kami agad papuntang Macedonia, dahil naramdaman naming pinapapunta kami roon ng Diyos upang mangaral ng Magandang Balita sa mga tagaroon.

Acts 16:10 (UKJV) And after he had seen the vision, immediately we endeavoured to go into Macedonia, assuredly gathering that the Lord had called us in order to preach the gospel unto them.

8Kaya dumaan na lang sila sa Misia at pumunta sa Troas.

9Nang gabing iyon, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain. Nakita niya ang isang taga-Macedonia na nakatayo at nagmamakaawa sa kanya. Sinabi ng tao, “Puntahan mo kami rito sa Macedonia at tulungan.”

10Pagkatapos makita ni Pablo ang pangitaing iyon, naghanda kami agad papuntang Macedonia, dahil naramdaman naming pinapapunta kami roon ng Diyos upang mangaral ng Magandang Balita sa mga tagaroon.

11Naglayag kami mula Troas papuntang Samotracia, at kinabukasan ay dumating kami sa Neapolis.

12Mula Neapolis, pumunta kami sa Filipos, ang pangunahing lungsod ng Macedonia. Maraming nakatira doon na taga-Roma. Tumigil kami roon ng ilang araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.