11Kaya nanatili si Pablo sa Corinto sa loob ng isaʼt kalahating taon, at itinuro niya sa mga tao ang salita ng Diyos.
12Ngunit nang si Galio na ang gobernador ng Acaya, nagkaisa ang mga Hudyo laban kay Pablo. Hinuli nila siya at dinala kay Galio upang mahatulan.
13Sinabi nila, “Hinihikayat ng lalaking ito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa paraang labag sa kautusan.”
14Magsasalita na sana si Pablo, ngunit nagsalita si Galio sa mga Hudyo, “Kung ang kasong ito na dinala ninyo sa akin ay tungkol sa isang krimen o mabigat na kasalanan, makikinig ako sa inyo.
15Subalit dahil tungkol lamang ito sa mga salita, mga pangalan, at sa inyong kautusan, kayo na ang bahalang umayos niyan. Ayaw kong humatol sa ganyang mga bagay.”