13Sinabi nila, “Hinihikayat ng lalaking ito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa paraang labag sa kautusan.”
14Magsasalita na sana si Pablo, ngunit nagsalita si Galio sa mga Hudyo, “Kung ang kasong ito na dinala ninyo sa akin ay tungkol sa isang krimen o mabigat na kasalanan, makikinig ako sa inyo.
15Subalit dahil tungkol lamang ito sa mga salita, mga pangalan, at sa inyong kautusan, kayo na ang bahalang umayos niyan. Ayaw kong humatol sa ganyang mga bagay.”
16At pinalabas niya sila sa korte.
17Pagkatapos, hinuli ng mga Griyego si Sostenes na namumuno sa sinagoga at binugbog nila doon sa labas ng korte, ngunit hindi ito pinansin ni Galio.