Mga Gawa 18

Pagkatapos, hinuli ng mga Griyego si Sostenes na namumuno sa sinagoga at binugbog nila doon sa labas ng korte, ngunit hindi ito pinansin ni Galio.

Acts 18:17 (UKJV) Then all the Greeks took Sosthenes, the chief ruler of the synagogue, and beat him before the judgment seat. And Gallio cared for none of those things.

15Subalit dahil tungkol lamang ito sa mga salita, mga pangalan, at sa inyong kautusan, kayo na ang bahalang umayos niyan. Ayaw kong humatol sa ganyang mga bagay.”

16At pinalabas niya sila sa korte.

17Pagkatapos, hinuli ng mga Griyego si Sostenes na namumuno sa sinagoga at binugbog nila doon sa labas ng korte, ngunit hindi ito pinansin ni Galio.

18Nanatili pa si Pablo nang ilang araw sa Corinto. Pagkatapos, nagpaalam siya sa mga kapatiran at pumunta sa Cencrea kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila. Inahit niya ang kanyang buhok upang tuparin ang panata niya sa Diyos. Mula sa Cencrea naglayag sila papuntang Siria.

19Dumaan sila sa Efeso at dooʼy iniwan niya sina Priscila at Aquila. Pumasok si Pablo sa sinagoga at nakipagdiskusyon sa mga Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.