17Pagkatapos, hinuli ng mga Griyego si Sostenes na namumuno sa sinagoga at binugbog nila doon sa labas ng korte, ngunit hindi ito pinansin ni Galio.
18Nanatili pa si Pablo nang ilang araw sa Corinto. Pagkatapos, nagpaalam siya sa mga kapatiran at pumunta sa Cencrea kasama ang mag-asawang Priscila at Aquila. Inahit niya ang kanyang buhok upang tuparin ang panata niya sa Diyos. Mula sa Cencrea naglayag sila papuntang Siria.
19Dumaan sila sa Efeso at dooʼy iniwan niya sina Priscila at Aquila. Pumasok si Pablo sa sinagoga at nakipagdiskusyon sa mga Hudyo.
20Kinausap nila si Pablo na manatili muna roon sa kanila, ngunit tumanggi si Pablo.
21Bago siya umalis, sinabi niya sa kanila, “Kung loloobin ng Diyos, babalik ako rito.” At naglayag siya mula sa Efeso.