19Dumaan sila sa Efeso at dooʼy iniwan niya sina Priscila at Aquila. Pumasok si Pablo sa sinagoga at nakipagdiskusyon sa mga Hudyo.
20Kinausap nila si Pablo na manatili muna roon sa kanila, ngunit tumanggi si Pablo.
21Bago siya umalis, sinabi niya sa kanila, “Kung loloobin ng Diyos, babalik ako rito.” At naglayag siya mula sa Efeso.
22Pagdating niya sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem at dinalaw ang iglesya, at saka tumuloy sa Antioquia.
23Hindi siya nagtagal doon, umalis siya at inikot niya ang mga lugar na sakop ng Galacia at Frigia at pinalakas niya ang pananampalataya ng mga alagad doon.