Mga Gawa 18

Hindi siya nagtagal doon, umalis siya at inikot niya ang mga lugar na sakop ng Galacia at Frigia at pinalakas niya ang pananampalataya ng mga alagad doon.

Acts 18:23 (UKJV) And after he had spent some time there, he departed, and went over all the country of Galatia and Phrygia in order, strengthening all the disciples.

21Bago siya umalis, sinabi niya sa kanila, “Kung loloobin ng Diyos, babalik ako rito.” At naglayag siya mula sa Efeso.

22Pagdating niya sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem at dinalaw ang iglesya, at saka tumuloy sa Antioquia.

23Hindi siya nagtagal doon, umalis siya at inikot niya ang mga lugar na sakop ng Galacia at Frigia at pinalakas niya ang pananampalataya ng mga alagad doon.

24Samantala, dumating sa Efeso ang isang Hudyong taga-Alejandria. Ang kanyang pangalan ay Apolos. Mahusay siyang magsalita at maraming nalalaman sa Kasulatan.

25Naturuan na siya tungkol sa daan ng Panginoon. Maalab siyang nagpapahayag at tama ang kanyang itinuturo tungkol kay Hesus. Ngunit ang bautismo lamang na itinuro ni Juan ang alam niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.