Mga Gawa 18

Magsasalita na sana si Pablo, ngunit nagsalita si Galio sa mga Hudyo, “Kung ang kasong ito na dinala ninyo sa akin ay tungkol sa isang krimen o mabigat na kasalanan, makikinig ako sa inyo.

Acts 18:14 (UKJV) And when Paul was now about to open his mouth, Gallio said unto the Jews, If it were a matter of wrong or wicked lewdness, O all of you Jews, reason would that I should bear with you:

12Ngunit nang si Galio na ang gobernador ng Acaya, nagkaisa ang mga Hudyo laban kay Pablo. Hinuli nila siya at dinala kay Galio upang mahatulan.

13Sinabi nila, “Hinihikayat ng lalaking ito ang mga tao na sumamba sa Diyos sa paraang labag sa kautusan.”

14Magsasalita na sana si Pablo, ngunit nagsalita si Galio sa mga Hudyo, “Kung ang kasong ito na dinala ninyo sa akin ay tungkol sa isang krimen o mabigat na kasalanan, makikinig ako sa inyo.

15Subalit dahil tungkol lamang ito sa mga salita, mga pangalan, at sa inyong kautusan, kayo na ang bahalang umayos niyan. Ayaw kong humatol sa ganyang mga bagay.”

16At pinalabas niya sila sa korte.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.