Mga Gawa 18

At nang magpasya si Apolos na pumunta sa Acaya, tinulungan siya ng mga mananampalataya sa Efeso. Sumulat sila sa mga alagad sa Acaya na tanggapin nila si Apolos. Pagdating niya roon, malaki ang naitulong niya sa mga naging mananampalataya dahil sa biyaya ng Diyos.

Acts 18:27 (UKJV) And when he was disposed to pass into Achaia, the brethren wrote, exhorting the disciples to receive him: who, when he was come, helped them much which had believed through grace:

25Naturuan na siya tungkol sa daan ng Panginoon. Maalab siyang nagpapahayag at tama ang kanyang itinuturo tungkol kay Hesus. Ngunit ang bautismo lamang na itinuro ni Juan ang alam niya.

26Nagsimula siyang magpahayag sa sinagoga ng buong tapang. Nang marinig nina Priscila at Aquila ang kanyang itinuturo, isinama nila siya at ipinaliwanag nang mabuti sa kanya ang daan ng Diyos.

27At nang magpasya si Apolos na pumunta sa Acaya, tinulungan siya ng mga mananampalataya sa Efeso. Sumulat sila sa mga alagad sa Acaya na tanggapin nila si Apolos. Pagdating niya roon, malaki ang naitulong niya sa mga naging mananampalataya dahil sa biyaya ng Diyos.

28At tinalo niya nang husto ang mga Hudyo sa kanilang mga diskusyon sa harap ng madla, at pinatunayan sa kanila mula sa Kasulatan na si Hesus ang Mesias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.