3Kapwa sila manggagawa ng tolda, kaya nakitira na siya sa kanila at nagtrabahong kasama nila.
4Tuwing Araw ng Pamamahinga pumupunta si Pablo sa sinagoga upang makipagdiskusyon, dahil gusto niyang hikayatin ang mga Hudyo at mga Griyego na sumampalataya kay Kristo.
5Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, ginamit ni Pablo ang buong panahon niya sa pangangaral ng salita ng Diyos. Pinatunayan niya sa mga Hudyo na si Hesus ang Mesias.
6Ngunit nang kontrahin at insultuhin nila si Pablo, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit at binalaan sila, “Kasalanan na ninyo kung mapahamak kayo. Wala na akong pananagutan sa inyo. Simula ngayon, sa mga Hentil na ako mangangaral.”
7Kaya iniwan niya ang mga Hudyo at doon siya nakituloy sa bahay ni Ticio Justo. Ang taong ito ay isang Hentil, ngunit sumasamba sa Diyos. Ang bahay niya ay katabi ng sinagoga.