Mga Gawa 18

Ngunit nang kontrahin at insultuhin nila si Pablo, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit at binalaan sila, “Kasalanan na ninyo kung mapahamak kayo. Wala na akong pananagutan sa inyo. Simula ngayon, sa mga Hentil na ako mangangaral.”

Acts 18:6 (UKJV) And when they opposed themselves, and blasphemed, he shook his raiment, and said unto them, Your blood be upon your own heads; I am clean; from henceforth I will go unto the Gentiles.

4Tuwing Araw ng Pamamahinga pumupunta si Pablo sa sinagoga upang makipagdiskusyon, dahil gusto niyang hikayatin ang mga Hudyo at mga Griyego na sumampalataya kay Kristo.

5Nang dumating sina Silas at Timoteo mula sa Macedonia, ginamit ni Pablo ang buong panahon niya sa pangangaral ng salita ng Diyos. Pinatunayan niya sa mga Hudyo na si Hesus ang Mesias.

6Ngunit nang kontrahin at insultuhin nila si Pablo, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit at binalaan sila, “Kasalanan na ninyo kung mapahamak kayo. Wala na akong pananagutan sa inyo. Simula ngayon, sa mga Hentil na ako mangangaral.”

7Kaya iniwan niya ang mga Hudyo at doon siya nakituloy sa bahay ni Ticio Justo. Ang taong ito ay isang Hentil, ngunit sumasamba sa Diyos. Ang bahay niya ay katabi ng sinagoga.

8Si Crispo na namumuno sa sinagoga at ang kanyang pamilya ay sumampalataya rin sa Panginoon; at marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.