Mga Gawa 18

Si Crispo na namumuno sa sinagoga at ang kanyang pamilya ay sumampalataya rin sa Panginoon; at marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.

Acts 18:8 (UKJV) And Crispus, the chief ruler of the synagogue, believed on the Lord with all his house; and many of the Corinthians hearing believed, and were baptized.

6Ngunit nang kontrahin at insultuhin nila si Pablo, ipinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit at binalaan sila, “Kasalanan na ninyo kung mapahamak kayo. Wala na akong pananagutan sa inyo. Simula ngayon, sa mga Hentil na ako mangangaral.”

7Kaya iniwan niya ang mga Hudyo at doon siya nakituloy sa bahay ni Ticio Justo. Ang taong ito ay isang Hentil, ngunit sumasamba sa Diyos. Ang bahay niya ay katabi ng sinagoga.

8Si Crispo na namumuno sa sinagoga at ang kanyang pamilya ay sumampalataya rin sa Panginoon; at marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ang sumampalataya at nagpabautismo.

9Isang gabi, nagpakita ang Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng pangitain at sinabi, “Huwag kang matakot. Ipagpatuloy mo ang pangangaral at huwag kang titigil,

10dahil kasama mo ako. Marami akong alagad sa lungsod na ito, kaya walang mangangahas na manakit sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.