Mga Gawa 19

May isang nagpapanday ng pilak doon na nagngangalang Demetrio. Gumagawa siya at ang kanyang mga tauhan ng maliliit na templong yari sa pilak na iginaya sa templo ni Artemis na kanilang diyosa, at itoʼy pinagkakakitaan nila nang malaki.

Acts 19:24 (UKJV) For a certain man named Demetrius, a silversmith, which made silver shrines for Diana, brought no small gain unto the craftsmen;

22Pinauna niya sa Macedonia ang dalawang tumutulong sa kanya na sina Timoteo at Erasto, at siyaʼy nagpaiwan muna sa lalawigan ng Asia.

23Nang panahong iyon ay nagkaroon ng isang malaking kaguluhan patungkol sa Daan ng Panginoon.

24May isang nagpapanday ng pilak doon na nagngangalang Demetrio. Gumagawa siya at ang kanyang mga tauhan ng maliliit na templong yari sa pilak na iginaya sa templo ni Artemis na kanilang diyosa, at itoʼy pinagkakakitaan nila nang malaki.

25Kaya ipinatawag niya ang kanyang mga manggagawa at ang iba pang mga nagpapanday ng pilak. At sinabi niya sa kanila, “Mga kaibigan, alam ninyong umaasenso tayo sa ganitong klaseng hanapbuhay.

26Nakita ninyo at narinig ang ginagawa ng taong si Pablo. Sinasabi niya na ang mga diyos na gawa ng tao ay hindi mga totoong diyos. Marami ang naniwala sa kanya rito sa Efeso at sa buong lalawigan ng Asia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.