Mga Gawa 19

Pinauna niya sa Macedonia ang dalawang tumutulong sa kanya na sina Timoteo at Erasto, at siyaʼy nagpaiwan muna sa lalawigan ng Asia.

Acts 19:22 (UKJV) So he sent into Macedonia two of them that ministered unto him, Timotheus and Erastus; but he himself stayed in Asia for a season.

20Dahil sa pangyayaring ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita ng Panginoon.

21Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, nagpasya si Pablo na dumaan muna sa Macedonia at sa Acaya bago pumunta sa Jerusalem. At ayon sa kanya, kailangan din niyang puntahan ang Roma pagkagaling sa Jerusalem.

22Pinauna niya sa Macedonia ang dalawang tumutulong sa kanya na sina Timoteo at Erasto, at siyaʼy nagpaiwan muna sa lalawigan ng Asia.

23Nang panahong iyon ay nagkaroon ng isang malaking kaguluhan patungkol sa Daan ng Panginoon.

24May isang nagpapanday ng pilak doon na nagngangalang Demetrio. Gumagawa siya at ang kanyang mga tauhan ng maliliit na templong yari sa pilak na iginaya sa templo ni Artemis na kanilang diyosa, at itoʼy pinagkakakitaan nila nang malaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.