Mga Gawa 25

Sinabi ni Festo, “Haring Agripa at kayong lahat na naririto ngayon, narito ang taong pinapahatulan sa akin ng mga Hudyo rito sa Cesarea at sa Jerusalem. Isinisigaw nila na ang taong ito ay walang karapatang mabuhay.

Acts 25:24 (UKJV) And Festus said, King Agrippa, and all men which are here present with us, all of you see this man, about whom all the multitude of the Jews have dealt with me, both at Jerusalem, and also here, crying that he ought not to live any longer.

22Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong ito.” “Sige, bukas mapapakinggan mo siya,” sagot ni Festo.

23Kinabukasan, marangyang parada ang pagdating sa korte nina Agripa at Bernice. Maraming opisyal ng mga sundalo at mga kilalang tao sa lungsod ang sumáma sa kanila. Pagkatapos, nag-utos si Festo na dalhin doon si Pablo.

24Sinabi ni Festo, “Haring Agripa at kayong lahat na naririto ngayon, narito ang taong pinapahatulan sa akin ng mga Hudyo rito sa Cesarea at sa Jerusalem. Isinisigaw nila na ang taong ito ay walang karapatang mabuhay.

25Ngunit wala naman akong nakitang dahilan upang parusahan siya ng kamatayan. At dahil nais niyang lumapit sa Emperador, nagpasya akong ipadala siya sa Roma.

26Subalit wala akong maisulat sa Emperador na malinaw na paratang tungkol sa taong ito. Kaya iniharap ko siya sa inyong lahat, at lalong-lalo na sa inyo Haring Agripa, upang pagkatapos ng pag-iimbestiga natin sa kanya ay mayroon na akong maisusulat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.